Espesyal na Forex Seminar ng XM Idinaos sa Bangkok

Nakapaskel Hulyo 10, 2019 ng 8:27 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Hulyo 6, natutuwa kaming makabalik sa kabisera ng Thailand para salubungin ang mga kliyente kasama ng libreng forex trading seminar na idinaos sa The Athenee Hotel, a Luxury Collection Hotel, Bangkok.

Ang seminar namin ay nagtampok ng tatlong kilalang propesyonal na tagapagsalita sa forex, na sina Kriengkrai Jermpatjanya, Sompop Jittrakul at Feungtot Paitivetwanakit. Ang bawat isa sa kanila ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa paksang may kinalaman sa pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Ang tatlong sesyon ng seminar ay kumumpleto sa bawat isa pagdating sa mga detalyeng tinalakay, at nakapagbigay ito sa mga bisita ng kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa pagpapababa ng risk, mga tool sa technical analysis, at mga paraan para makapagsagawa ng istratehiya depende sa indibidwal na estilo at layunin sa pag-invest ng bawat isa.

Ang pinagsamang presentasyon ng tatlong propesyonal ay nagbigay-diin sa maraming mahahalagang aspeto ng pag-i-invest online na matagumpay na mapagsasama para magkaroon ng sistematikong diskarte sa pag-trade, nang sa gayon magkaroon ng mas mahusay na resulta.

Ang seminar namin ay nagtapos sa isang raffle kung saan binabati naming muli ang mga nanalo sa kanilang mga napanalunan na makikita sa ibaba.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: gold voucher na nagkakahalaga ng 600 USD 13196638
Premyo 2: 600 USD 46066245
Premyo 3: 600 USD 17145502

Gusto naming pasalamatan lahat ng naglaan ng oras para pumunta sa aming seminar upang mapahusay ang kanilang kaalaman sa pag-trade sa tulong ng pagtuturo ng XM tungkol sa forex.

Para magbasa pa tungkol sa mga nalalapit naming seminar sa Thailand at makapag-rehistro na sa lokasyon na iyong napili, mangyaring mag-click dito.