Nagsagawa sa Perth ng Matagumpay na Forex Trading Seminar

Nakapaskel Nobyembre 20, 2017 ng 11:30 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong November, nagkaroon na naman ang XM ng serye ng mga seminar kasama ni Avramis Despotis ng Tradepedia para bumisita sa tatlong siyudad sa Australia, kung saan ang panghuling destinasyon ay ang siyudad ng Perth, kung saan ikinatutuwa naming makilala ang mga kasalukuyan at bagong kliyente noong ika-18 ng November.

Matapos bisitahin ang Melbourne at Sydney, ang XM ay dumalo sa Perth sa ika-18 ng November para salubungin ang mga online investors na nais dumalo sa seminar sa Hotel Aloft Perth.

Ang pang-edukasyonal na event ay hindi lamang libre, ngunit nagbigay din ito ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksa ng mga teknik sa swing trading. Ang tagapagsalita na si Avramis Despotis, na siyang Financial Certified Technician na Tradepedia trading academy, ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa mga pangunahing aspeto ng online trading, kasabay ng paggamit ng iba’t-ibang technical analysis tools na magagamit sa pag-trade sa iba’t-ibang financial instruments at sa MT4 at MT5 trading platforms na makikita sa XM.

Ang syllabus ng seminar ay mayroong mga kinakailangang impormasyon na makakatulong sa mga baguhang trader sa online investing, at nagbigay din ito sa mga batikang trader ng mga kaugnay na detalye sa kung paano mapapabuti ang kanilang pag-trade. Nagbigay si Avramis Despotis ng tuon sa kahalagahan ng technical analysis tools na ginagamit sa swing trading para makinabang sa short-term na paggalaw sa presyo, at kung bakit mahalaga ang risk management at trading psychology sa online forex at CFD trading. Higit pa, ang mga dumalo ay natuto din sa kung paano magsagawa ng sariling istratehiya sa pag-trade base sa kanilang layunin sa pag-invest.

Maliban sa paglalahad ng praktikal na impormasyon tungkol sa online forex at CFD trading, ang event ay nagbigay-daan sa panibagong pakay na siyang hindi malilimutan na aspeto sa seminar: ang pakikipag-ugnayan ng XM sa mga kasalukuyan at bagong kliyente sa personal.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga dumalo sa seminar sa Perth. Sa ibaba makikita ang ilan sa mga litratong kinuha sa seminar.