Nagdaos ng mga Matagumpay na XM Forex Seminar sa Chiang Rai at Chonburi

Nakapaskel Mayo 29, 2019 ng 9:29 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Mayo nakarating ang mga forex seminar ng XM sa dalawa pang lungsod sa Thailand, kung saan natutuwa kaming personal na makilala ang napakaraming nagti-trade na pumunta sa mga pang-edukasyonal na seminar sa Chiang Rai noong Mayo 11 at sa Chonburi noong Mayo 25.

Sa bawat siyudad, ipinaliwanag nang husto ng nagtuturo ng forex na si Sompop Jittrakul ang paggamit ng mga istratehiya sa trend reversal at breakout at ipinakita niya kung paano magagamit ang iba’t-ibang pamamaraan sa technical analysis para makita ang mga pagbabago sa direksyon ng presyo ng iba’t-ibang pinansyal na instrument.

Ang paksa ng seminar na Mga Istratehiya sa Avramis Trend Reversal at Breakout ay binubuo ng mga kinakailangang impormasyon na may kinalaman sa paggamit ng mahuhusay na trading tools gaya ng Avramis Swing Indicator o ng Avramis Risk Management Indicator, na nakakatulong sa mga nag-i-invest online para malaman ang lakas ng trend sa market, mapag-aralan ang palagay ng market, at higit sa lahat makapagsagawa ng tamang pamamahala ng risk sa pangmatagalan.
Para sa lahat ng mga pumunta sa XM seminar sa Chiang Rai at Chonburi, ang pangunahing layunin ng syllabus ay ang makapagbigay ng madaling gamitin at praktikal na pamamaraan at istratehiya sa pag-trade na may potensyal upang positibong makatulong sa kakalabasan ng pag-trade.

Gusto naming pasalamatan ang mga kasalukuyan at bagong kliyente na pumunta sa XM seminar sa bawat lungsod, at gusto naming imbitahan ang mga nagti-trade sa susunod pa naming mga pang-edukasyonal na forex seminar na gaganapin sa magkakaibang lokasyon sa Thailand.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga susunod naming seminar sa Phitsanulok at Udon Thani, mangyaring mag-click dito.