Swing Trading Seminar Isinagawa sa Amman

Nakapaskel Oktubre 23, 2017 ng 12:22 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taglagas, ipinagpatuloy ng XM ang mga serye ng forex trading seminar nito sa MENA (Middle East and North Africa) region mula September, at nakarating ito sa susunod na destinasyon noong ika-21 ng October: ang siyudad ng Amman, Jordan.

Ang seminar ay isinagawa sa Kempinski Hotel, kung saan ang mga traders ay nakadalo sa presentasyon ng forex instruktor na si Habib Akiki tungkol sa ilan sa mga mahuhusay na teknik sa swing trading, partikular na ang technical indicators na ginawa ng Tradepedia trading academy, gaya ng Avramis Swing Lite Indicator, na ginawa para tumukoy ng market trends at price reversals sa iba’t-ibang time frames.

Maliban sa paglalahad ng kahalagahan at mga pangunahing patakaran sa technical analysis, ipinaliwanag din ni Habib Akiki ang mga teknik na ginagamit sa pagtutukoy ng mas malalaking paggalaw sa presyo at paglapat ng tamang position sizing, kabilang na kung paano magbigay-kahulugan sa multi-day chart patterns at malaman kung aling mga instrument ang iti-trade. Bilang isa sa mga pangunahing layunin ng seminar, ipinaliwanag din niya ang mga teknik sa risk management, dahil malaking parte ito sa pagsasagawa ng desisyon sa pag-invest.

Sumunod ng seminar, nag-raffle kami ng pangalan ng mga dumalo at inanunsyo ang mga nanalo sa XM Lucky Draw, at binabati namin sila sa kanilang pagkapanalo.

Mga Nanalo sa XM Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 31060998
Premyo 2: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 3130875
Premyo 3: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 31035811
Premyo 4: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 17041235
Premyo 5: $100 hindi mawi-withdraw na trading bonus 11183927

Ang aming mga seminar ay magpapatuloy sa MENA, at ang susunod na mga destinasyon ay ang Marrakesh sa ika-6 ng December at Tangier sa ika-9 ng December.

Mag-click dito para sa karagdagang detalye at makapag-rehistro na sa napiling petsa at lokasyon.