Isinagawang Technical Analysis Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Oktubre 4, 2017 ng 10:50 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong ika-30 ng September, matapos bisitahin ang siyudad ng Korat, bumalik na naman kami sa Bangkok, Thailand, para sa forex trading seminar tungkol sa paggamit ng mga teknik sa technical analysis para sa swing trading.

Sa kabuuan nitong taon, nagsagawa ang XM ng iba’t-ibang mga on-site seminars sa magkakaibang siyudad sa Thailand, kung saan libre ang pagdalo sa mga online investors na nais matuto mula sa mga pinakamagagaling. Ang pinakabago sa mga event na ito ay isinagawa sa Shangri-La Hotel Bangkok noong ika-30 ng September, kung saan sinalubong naming ang mga dumalo na nagpakita ng interes sa paksang Lahat ng Dapat Malaman Tungkol sa Trend Reversals at Breakouts.

Dahil sa kahalagahan ng mga detalye na may kaugnayan sa pag-analisa ng market trend sa online investing, ang pinagsamang presentasyon ng mga forex instruktor na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul ay tumugon sa parehong baguhan at batikang traders sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon tungkol sa trend identification at trend analysis. Ang sistema ng pagsunod sa trend ay ipinakita sa pamamagitan ng mga halimbawa na nakatulong sa mga dumalo na maintindihan ang totoong kahalagahan ng technical analysis tools. Higit pa, naging pamilyar din ang mga dumalo sa paggamit ng mga automated tools na ginawa ng Tradepedia para sa pagtukoy ng trend strength at paglapat ng tamang risk management.

Nais naming pasalamahatan lahat ng mga kliyente na dumalo sa aming seminar sa Bangkok noong ika-30 ng September, pati na rin lahat ng dumalo sa aming mga seminar sa Thailand ngayong 2017. Ipagpapatuloy namin ang serye ng mga seminar sa 2018, at nais na naming makilala ang mga traders sa mga nalalapit na pang-edukasyonal na event.