Matagumpay na Nagtapos ang mga Seminar sa Thailand

Nakapaskel Setyembre 21, 2017 ng 7:18 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang mahabang serye ng mga forex trading seminar ng XM sa Thailand ngayong February ay mabilis na sinundan ng panibagong serye ng mga seminar ngayong tag-init, na siyang nagtapos sa huling dalawang seminar sa siyudad ng Hat Yai at Korat.

Isinagawa sa Hat Yai noong ika-2 ng September at Korat noong ika-16 ng September, ang XM seminar na pinamagatang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at Avramis River ay ipinresenta ng forex instruktor na si Sompop Jittrakul at nagbigay sa napakaraming bilang ng mga traders ng oportunidad para sumali sa propesyonal na pang-edukasyonal na event ng XM para pabutihin ang kanilang pag-trade online.

Ang seminar ay idinisenyo para tugunan ang mga pangangailangan ng mga online investors sa Thailand na nais magkaroon ng mas mataas na lebel na edukasyon sa forex: maraming matututunan, presentasyon na ibinigay sa sariling lengwahe, magagamit na teknik sa online forex trading, at higit sa lahat ang pagpapakita ng praktikal na paggamit ng mga teknik na ito sa pamamagitan ng mga halimbawang madaling maintindihan.

Tulad ng dati, ang seminar ng XM ay libre para sa lahat ng mga kliyente, na pumunta sa parehong event sa Hat Yai at Korat para matuto kung paano magagamit ang mga technical analysis tools sa regular na pag-trade, kabilang na ang mga automated tools na ginawa ng Tradepedia trading academy.

Ang pang-umaga at panghapong sesyon ng seminar ay sinundan ng pagtatalakay sa bawat isang aspeto na ipinresenta, para tulungan ang mga baguhan na mas lalong maintindihan ang mga tinurong impormasyon.

Sa kabila ng XM, nais naming pasalamatan lahat ng mga kliyente na dumalo sa aming mga seminar sa Hat Yai at Korat, at nais namin sila muling makita sa seminar na isasagawa sa Bangkok sa 30 September.

Para mag-book na ng puwesto sa nalalapit na seminar sa Bangkok, mag-click dito.