Pinarangalan ang XM ng CFI.co sa Ikatlong Sunod na Taon

Nakapaskel Hulyo 31, 2020 ng 8:49 am GMT. Magbasa Pa Balita

Natutuwa kaming ianunsyo na bilang pagkilala sa aming husay na pinagkakatiwalaan sa buong mundo, at dedikasyon sa aming misyon nitong nakaraang dekada, iginawad sa amin ng mga hurado ng CFI.co ang mga sumusunod na parangal:

  • Pinaka-maaasahang Broker sa Mundo 2020
  • Pinaka-transparent na Broker sa Mundo 2020
  • Ayon sa ulat ng mga hurado ng CFI, “Ang broker na ito ay nagbibigay ng kalidad na produkto at serbisyo, at patuloy na pinapabuti ang operasyon nito para masiguro ang mabilis, epektibo at sensitibong tugon tuwing kailangan ito. Binibigyang-daan ng teknolohiya, matatag na cashflow at kinakailangang kagamitan ang napakabilis na pag-withdraw, hindi mapapantayang tulin sa pagpapatupad, at hindi pagkakaroon ng requotes. Napaka-transparent nito at walang mga nakatagong singil. Ang pondo ng broker at kliyente ay nakatago sa mga nangungunang bangko at palaging nalalampasan ng XM ang pinakamababang capital ratios (na hadlang para makapagsimula ang mga maliliit at bagong broker). Bilib ang mga hurado at naniniwala ito na magtatagumpay pa ang XM, dahil nakagawa ito ng ligtas na kapaligiran para sa mga kliyente.”

    Ang CFI.co (Capital Finance International) ay isang pahayagang nakalathala at makikita online, na naghahatid ng mga balita, pagsusuri at komentaryo sa mga internasyonal na market. Pinagtutuunan nito ng pansin ang mga teknolohikal na pagbabago at iba pang mga aspetong nakakaapekto sa pabago-bagong markets, upang matukoy ang mga rehiyon, sektor sa industriya at kumpanyang may malaking potensyal na magtagumpay.

    Gusto naming pasalamatan ang CFI dahil sa kanilang papuri at pagpaparangal sa amin bilang Pinaka-maaasahan at Pinaka-transparent na Broker sa Mundo 2020.