Tatlong mga XM Seminar Isasagawa para sa mga Moroccan Traders

Nakapaskel Pebrero 28, 2017 ng 11:13 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagitan ng ika-22 at ika-26 ng February, ang mga online investors galing Morocco ay dumalo sa tatlong libreng forex seminars na ini-host ng XM sa siyudad ng Tangiers at Casablanca.

Si Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia LLC, ay nag-presenta ng seminar na mahalaga para sa mga Moroccan traders: ang mga teknik sa swing trading na ginagamit sa pag-trade ng instruments na may short-term price momentum.

Ang unang lokasyon ng event ay Tangiers noong ika-22 ng February, na sinundan ng dalawang magkasunod na seminar sa Casablanca noong ika-25 at ika-26. Sa tatlong okasyon ang mga kasalukuyan at bagong mga kliyente ng XM ay nag-rehistro para makakuha ng praktikal na kaalaman mula kay Habib Akiki, na siyang eksperto sa online investing at higit na kinikilala sa rehiyon ng MENA.

Tinalakay ni Habib Akiki ang mga pinakamahahalagang aspeto ng swing trading, kabilang na ang multi-day chart patterns, iba’t-ibang paraan para matukoy ang mga market trends, makita ang mas malalaking paggalaw ng presyo at maglapat ng sapat na position sizing para mapababa ang risk. Dahil sa interaktibong seminar, nagkaroon ang mga dumalo ng pagkakataong pag-diskusyunan ang kanilang indibidwal na istratehiya sa pag-trade at nakapagtanong din sila sa presenter.

Sa ibaba makikita ang mga litratong kinuha sa XM seminar, kabilang na ang mga dumalo, ang event speaker at mga kinatawan ng aming kumpanya sa Tangiers at Casablanca.