Dumalo ang mga Traders sa XM Forex Seminar sa Berlin

Nakapaskel Oktubre 24, 2017 ng 12:14 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taglagas, nagsimula ang XM ng serye ng mga seminar sa Germany noong ika-21 ng October, ang unang destinasyon dito ay ang Berlin, kung saan ikinatuwa naming salubungin ang mga online investors, kabilang na ang marami sa aming mga kasalukuyang kliyente na sumali sa pang-edukasyonal na event.

Isinagawa sa Maritim Pro Arte Hotel, Berlin, ang seminar ay nag-hikayat sa marami sa mga online traders na interesadong matuto tungkol sa pag-trade ng forex base sa mga mahuhusay na istratehiya.

Ang forex instruktor na si Gil Paz ay nagbigay sa mga dumalo ng serye ng mga gabay tungkol sa pangpinansyal at psychological na aspeto sa online investing, na siyang magka-ugnay at importante para sa tamang risk management at mahusay na resulta sa pangmatagalan.

Ang mga pangunahing ideya na binigyang-diin sa seminar ay ang kahalagahan ng kamalayan sa sarili (na kailangan para makatotohanang malaman ang risk tolerance, at magkaroon ng trading goals na makakamit sa dami ng kinita); sistematikong pag-iisip (kailangan para magsagawa ng desisyon na hindi base sa swerte); pagsasagawa ng indibidwal na istratehiya sa pag-trade; regular na pagsasanay; at higit sa lahat, ang patuloy na kaalaman at pag-usad.

Maliban sa mga kinakailangan ng mga traders para magtagumpay, nagbigay din si Gil Paz ng ilang case studies sa mga dumalo para makatulong maiwasan ang mga pagkakamali sa pag-trade. Sinundan ito ng detalyadong pagpapaliwanag sa paggamit ng mga technical at fundamental analysis tools at mga pamamaraan para isaalang-alang ang mga ito bago magsagawa ng desisyon sa pag-trade.

Nais naming batiin ang dalawang maswerteng nanalo sa XM Lucky Draw na ginanap sa event mismo matapos ang seminar.

Mga Nanalo sa Lucky Draw

Mga Premyo MT4/MT5 Account ID
Premyo 1: iPad Mini 4 24077548
Premyo 2: iPad Mini 4 19067717

Ikinagagalak naming makilala ang aming mga kliyente sa Berlin, at para sa lahat ng mga hindi nakadalo sa event, iniimbitahan namin ang mga baguhan at batikang trader sa mga nalalapit na seminar na gaganapin sa Munich sa ika-11 ng November at sa Hamburg sa ika-9 ng December.

Magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na para sa aming nalalapit na mga seminar sa Germany ngayong taglagas.