Dalawang Forex Trading Seminars Isinagawa sa Malaysia

Nakapaskel Agosto 22, 2017 ng 8:01 am GMT. Magbasa Pa Balita

Mula February ngayong taon, nakapag-host na ang XM ng mga libreng seminars sa magkakaibang siyudad sa Malaysia para turuan ang mga traders tungkol sa online forex trading, mula sa mga pinaka-simple hanggang sa mga mas kumplikadong aspeto sa pag-trade.

Noong ika-29 ng July, sinimulan namin ang pangalawang serye ng seminar sa Malaysia, sa siyudad ng Melaka, na sinundan sa Terengganu noong ika-19 ng August. Sa parehong lokasyon, ikinatutuwa naming makita ang interes ng mga lokal na traders na dumalo sa aming seminar para matuto ng mga teknik sa pag-trade na makakatulong sa kanila makamit ang kanilang layunin sa pag-invest gamit ang mga subok nang istratehiya sa pag-trade.

Sa parehong Melaka at Terengganu, ang forex instruktor na si Zulle Razak ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa paksa na Confluence Techniques sa Forex Trading sa pamamagitan ng pagpapakita ng tamang paggamit ng iba’t-ibang teknik na magagamit sa spot forex trading.

Ang isang araw na intensibong seminar at workshop ay idinisenyo para sa mga gustong magkaroon ng praktikal na impormasyon sa mga pinakamahahalagang aspeto ng online forex trading, maintindihan ang mekanismo ng market trending at price action, at malaman kung paano gamitin ang mga technical analysis tools nang mas tama. Idiniin din ni Zulle Razak ang kahalagahan ng trading psychology at risk management, na siyang nakakaapekto sa desisyon sa pag-trade, at mabigyan ang mga dumalo ng payo sa kung bakit ito kailangan sa propesyonal na pag-trade.

Pinasasalamatan namin lahat ng mga dumalo sa seminar sa Melaka at Terengganu, at nais namin muli silang makilala sa aming nalalapit na seminar sa Kedah, Kota Bahru at Kuantan ngayong taglagas.

Mag-click dito para magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa aming mga nalalapit na events at para makapag-rehistro na.