Dalawa pang Forex Trading Seminars ang Ginanap sa Thailand

Nakapaskel Abril 12, 2017 ng 9:14 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong taon, ang Thailand ay naging regular na destinasyon para magbahagi ng praktikal na kaalaman ang XM sa mga online investors.

Ang una sa dalawang lokasyon sa Thailand ay ang Khon Kaen noong ika-18 ng March at Phitsanulok noong ika-8 ng April. Sa bawat siyudad, ang bilang ng mga dumalo ay nagsaad ng patuloy na demand para sa mga libreng seminar na iniho-host ng XM tungkol sa forex trading.

Nagbigay ang tagapagsalita sa event na si Sompop Jittrakul ng detalyadong presentasyon sa mga teknik na ginagamit para mag-analisa ng price action at trending, matukoy ang malalaking paggalaw ng presyo at ilapat ang tamang laki ng position sa pangmatagalan.

Sa intensibong mga seminar na ginanap sa bawat siyudad, ang mga dumalo sa event ay nagkaroon ng oportunidad na hindi lamang magkaroon ng natatanging kaalaman sa mga mahahalagang trading tools tulad ng Fibonacci, ngunit natuto din sila kung paano gamitin ang ilan sa mga epektibong istratehiya sa indibidwal na kasanayan sa pag-trade.

Nais naming pasalamatan lahat ng mga kliyente na sinamahan kami sa Khon Kaen at Phitsanulok, at ipagpapatuloy namin ang mga serye ng seminar sa pamamagitan ng pagbisita sa Chonburi sa ika-22 ng April, Hat Yai sa ika-6 ng May at Korat (Nakhon Ratchasima) sa ika-20 ng May.

Para magbasa pa tungkol sa detalye ng seminar at mag-rehistro sa mga nalalapit na events mag-click dito.