Dalawang Matagumpay na Seminar Isinagawa sa Thailand

Nakapaskel Hunyo 22, 2017 ng 7:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Mula February, nagkapag-host kami ng hindi bababa sa siyam na forex trading seminars sa magkakaibang lokasyon sa Thailand, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay isinagawa sa Bangkok noong ika-3 ng June at sa Chiang Mai noong ika-17 ng June.

Ang parehong seminar ay nagkaroon ng iisang paksa, ang Pag-trade gamit ang Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River. Isinagawa sa Plaza Athénée Bangkok, A Royal Méridien Hotel, ang event sa Bangkok ay nagkaroon ng magkasamang presentasyon ng forex instruktor na sina Mario Pashardes at Sompop Jittrakul, habang ang seminar sa Chiang Mai, na isinagawa sa Shangri La Hotel, ay ipinresenta ng Thai instruktor na si Sompop Jittrakul.

Sa bawat siyudad, nagkaroon ng napakaraming bilang ng mga dumalo, na siyang nagpapakita ng mataas na demand mula sa mga Thai online investors para sumali sa on-site na pang-edukasyonal na events ng XM at pabutihin ang kanilang kaalaman sa online forex trading gamit ang tulong ng mga propesyonal na instruktor.

Sa parehong Bangkok at Chiang Mai, ang kurikulum ng seminar ay nagtalakay ng mga teknik na praktikal para makita ng mga online investors ang direksyon ng market at tukuyin ang pagbabago sa presyo nang mas tama, kabilang na ang paggamit ng iba’t-ibang trend-following trading tools gaya ng Ichimoku Kinko Hyo at ng Avramis River indicators.

Sa pang-umaga at panghapong sesyon ng bawat seminar, ang mga dumalo ay nagkaroon ng oportunidad para makita kung paano tumatakbo ang mga teknik sa pag-trade, pati na rin maintindihan kung paano magagamit ang mga ito sa indibidwal na istratehiya sa pag-trade.

Gaya ng dati, ikinatutuwa naming bumalik sa Thailand, at nais namin pasalamatan ang bawat isa sa mga kliyenteng sumali sa amin sa dalawang seminar. Para sa lahat ng nais pang dumalo sa parehong seminar at matuto pa tungkol sa paksa, bukas na ang rehistrasyon para sa Khon Kaen sa 1 July, Phitsanulok sa 22 July, at Chonburi sa 5 August.

Para magbasa pa ng karagdagang detalye at mag-rehistro na sa mga nalalapit na events, mag-click dito.