Nagpamahagi Kami ng Libro sa mga Bata sa Vietnam

Ipinaskil Abril 22, 2024 ng 8:26 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Para suportahan ang proyektong “Libro para sa mga Kabataan”, nagpamigay kami ng mga libro sa 10 eskwelahan sa Ky Son district sa probinsya ng Nghe An, na nagtuturo sa mga kapus-palad na bata na nakatira sa kabundukan. Napuno ng libro ang istante sa 10 silid-aralan, na nakapaghikayat sa mga mag-aaral na magbasa araw-araw kasama ng kanilang mga guro.

Ang pagbabasa ay di lamang nakakapagdala ng bagong kaalaman; binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga bata na mangarap. Para sa mga pinakabatang estudyante, lumalawak ang pagtingin nila sa mundo dahil sa mga makukulay at nakakalikot na libro. Dahil sa proyektong “Libro para sa mga Kabataan”, lumiliwanag ang kinabukasan ng daan-daang bata na nasa mga liblib na lugar.

Noong inihatid namin ang mga libro, binisita namin ang Department of Education and Training sa Ky Son district at ang Ta Ca Primary and Secondary School, na nagtuturo sa mga estudyante na mula sa ethnic minority na Thai, Khmu, at Hmong. Nakilala namin ang pinuno ng edukasyon, punongguro, at ilang mga estudyante. Nakatulong ito sa’min para malaman ang mga pangangailangan at hamon na kinakaharap nila, at upang matugunan namin ‘to sa mga susunod pa naming inisyatiba sa CSR.

Paano ka makakatulong

Ang proyektong “Libro para sa mga Kabataan” ay pinamumunuan ng organisasyong Nuôi Em. Pwede kang magbasa pa, magbigay ng donasyon, o mag-sponsor ng bata sa kanilang website.