Nakarating ang mga Forex Seminar ng XM sa Bangkok at Chiang Mai

Nakapaskel Pebrero 22, 2019 ng 12:45 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ngayong Pebrero, bumalik ang XM sa Thailand para sa panibagong serye ng mga forex seminar, kung saan ang unang dalawa sa mga ito ay ginanap sa Bangkok at Chiang Mai, at magpapatuloy sa iba pang mga lokasyon ngayong Marso.

Ang layunin ng bagong mga seminar na inumpisahan ng XM sa Thailand ngayong taon ay para patuloy na matulungan ang mga trader na magkaroon ng panibagong kaalaman na mahalaga sa kasanayan ng pag-invest online, at para mabigyan sila ng karanasan para sa mas mahusay na diskarte sa pag-trade.

Lahat ng mga kliyente na pumunta sa aming seminar sa Bangkok noong Pebrero 2 at sa Chiang Mai noong Pebrero 16, baguhan man o beterano na, ay nagkaroon ng oportunidad na matutunan ang mga tiyak na impormasyon tungkol sa mga istratehiya sa pag-trade gamit ang technical analysis.

Ang tagapagturo ng forex na si Sompop Jittrakul, na kilala ng mga trader sa Thailand dahil sa kanyang husay at propesyonal na paraan sa pagtuturo, ay nagpamangha na naman sa mga bisita dahil sa kanyang presentasyon na pinamagatang Ang Avramis Trend Reversal at mga Istratehiya sa Breakout. Ang mga detalye ay hindi niya lamang ipinaliwanag, kundi ipinakita din niya ito gamit ang mga tunay na halimbawa, na siyang napakinabangan ng mga gustong matuto ng mga mahusay na pamamaraan sa pag-trade, na may espesyal na tuon sa mga indicator gaya ng Avramis Swing Advanced Indicator at ng Avramis Risk Management Indicator.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa aming seminar sa Bangkok at Chiang Mai. Nais din naming imbitahan ang mga gustong magkaroon ng propesyonal na edukasyon galing sa XM, na pumunta sa aming mga nalalapit na seminar sa Thailand.

Para mag-rehistro sa mga libreng seminar ng XM sa Korat, Hat Yai, Ubon Ratchathani, Khon Kaen at Phuket, mangyaring mag-click dito para sa mga karagdagang detalye.