Nakatanggap ang XM ng Dobleng Parangal sa World Finance Awards 2020

Nakapaskel Abril 15, 2020 ng 7:15 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nagpapatuloy ang 2020 ng XM katuwang ng iba pang mga parangal dahil sa napakataas na pamantayan ng kumpanya pagdating sa mga serbisyo at produkto na ibinibigay nito sa mga kliyente sa buong mundo. Sa ikaapat na magkakasunod na pagkakataon, pinarangalan na naman ang XM ng dalawang malaking parangal ng naka-base sa UK na World Finance: Pinakamahusay na FX Broker sa Europa at Pinakamahusay na FX Broker sa Australasia.

Ang dobleng pagkapanalo sa World Finance Awards 2020 ay patotoo na ang pagsisikap ng XM na paglingkuran ang mga kliyente sa Europa at rehiyon ng Australasia nang may integridad at mas mahusay na pagseserbisyo, ay patuloy na nagkakaroon ng internasyonal na pagkilala sa industriya.

Sa XM alam namin na hindi tanging solusyon ang pagiging high-tech at dami ng pagpipilian kapag nag-i-invest. Nangunguna pa din sa inaasahan ng mga kliyente ang pagiging bukas sa negosyo at human factor. Kaya naman hangga’t makakaya, patuloy naming papalakasin ito sa mga susunod na taon para makakilos sa pinakamahusay na interes ng aming mga kliyente.

Tungkol sa World Finance

Ang World Finance ay naka-print at online magazine sa UK na sumasakop sa industriya ng pananalapi, internasyonal na negosyo at pandaigdigang ekonomiya. Pinipili ng mga hurado ng World Finance Awards ang mga nananalo mula sa lahat ng nominado na binoboto ng mga nagbabasa ng magazine, at ang mga nananalo ay pinipili batay sa mga sukatan gaya ng pinakamataas na kalidad ng serbisyo, pagiging makabago at napatunayang husay, kung saan nagsisilbi sila bilang pamantayan sa industriya kung saan sila nagpapatakbo ng serbisyo.