Nagbigay ng Donasyon ang XM para sa Pagsugpo ng Wildfire sa Greece

Nakapaskel Agosto 25, 2021 ng 1:59 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nagbigay ng donasyon ang XM sa misyon ng Red Cross Greece para matulungan ang mga tao at hayop na naapektuhan ng mga wildfire na naminsala sa ilang bahagi ng Greece nitong buwan ng Agosto.

Libu-libong tao ang napilitang lumikas ng kanilang tahanan dahil sa higit 500 sunog na sumiklab sa bawat sulok ng bansa. Nakadagdag pa ang hamon ng pinakamatinding heatwave na naranasan sa loob ng ilang dekada at naging dahilan para kumalat nang mas mabilis ang apoy, habang sinisikap ng mga bumbero na gawing ligtas ang mga matataong lugar.

Maliban sa donasyon, bumisita rin kamakailan ang CSR team ng XM sa Kolonos at Nea Makri sa Marathonas para maghatid ng pagkain at medisina sa mga tao at hayop na naapektuhan nitong mapaminsalang sunog.

Patuloy ang aming pagsisikap na suportahan ang mga kapus-palad sa buong mundo at makapagbigay sa kanila ng patas na oportunidad. Marami pa kaming mga nalalapit na inisyatiba para matulungan ang mas marami pang tao hangga’t maaari.

Kung gusto mong magpaabot ng tulong sa Red Cross Greece, pumunta sa kanilang website dito.