Katuwang ng XM ang Loving Hands para sa mga Kabataan sa Uganda

Nakapaskel Mayo 13, 2019 ng 7:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Pangunahing layunin ng XM Foundation ang direktang pakikilahok sa kawanggawa. Bagama’t ang aming mga misyon para makatulong ay karaniwang may kinalaman sa iba’t-ibang aktibidad sa kawanggawa, nakikipagtulungan din kami sa mga organisasyon na naglilingkod para sa kapakanan ng mga taong kapos sa lipunan.

Matapos ang pagbiyahe ng aming pangkat sa Uganda noong 2017 dahil pagpapasinaya ng bagong gusali sa paaralang Aristotle na itinayo ng XM para sa mga kabataan ng bahay-ampunan na Saint Antonios of Monde sa Wobulenzi, ngayong taon nakipagtulungan naman kami sa organisasyon na Loving Hands para suportahan pa ang ibang mga paaralan sa nasabing bansa sa Africa.

Dahil matibay ang paniniwala namin na ang pagtuturo sa pag-iisip at tamang-asal ay positibong makakapaghubog sa hinaharap ng mga bata, nakipag-ugnayan ang XM sa Loving Hands na naka-base sa Uganda, para isponsor ang pag-aaral ng 20 bata.

Ang pagbibigay ng pinansyal na suporta para sa mga pasilidad ng paaralan at pang-edukasyonal na materyales, pati na ang pag-aambag sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga kapus-palad na bata, ay isang marangal na hangarin na ipagpapatuloy ng Loving Hands sa tulong ng kontribusyon ng XM.

Kung sa tingin mo na malapit sa iyong puso ang kawanggawang ito, at gusto mong samahan ang XM para mabago ang buhay ng mga kabataan sa Uganda, magbasa pa ng karagdagang detalye tungkol sa Loving Hands dito.