Lumahok ang XM sa Trade Fair na Investing Roma sa Italya

Nakapaskel Nobyembre 4, 2019 ng 12:18 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nakapunta na ang XM sa iba’t-ibang pinansyal na expo na inorganisa sa Italya ngayong taon, kung saan ang pinakabago sa mga ito ay ang Investing Roma, na isinagawa noong Oktubre 4.

Ito ang unang pagkakataon na pumunta ang XM sa Investing Roma, na sumalubong sa napakaraming bilang ng mga exhibitor at bisita sa Centro Congressi Roma. Natutuwa kaming makasalamuha muli sa personal ang marami sa aming mga kliyente, at ipakilala sa mga potensyal na kliyente ang hanay ng mga serbisyo ng aming kumpanya.

Bilang isa sa mga pinakakilalang trade fair sa Italya, ang Investing Roma ay tumutugon sa interes ng mga nag-i-invest na naglalayong makilala ang mga sumusuri sa market, mga propesyonal sa pananalapi at mga kapwang nag-i-invest online. Dahil isa itong masiglang lugar para sa mga tagapagbigay serbisyo at mga nagti-trade upang magpalitan ng ideya at talakayin ang magkakaibang aspeto sa pabagu-bagong industriya ng pananalapi, ang expo ay nagtampok din ng magkakaibang edukasyonal na programa sa tulong ng presentasyon ng mga kilalang eksperto sa Italya.

Ang positibong tugon ng mga bisita sa pagdalo ng XM sa Investing Roma ay nagpatibay pa sa aming paniniwala na panatilihin ang kalidad ng serbisyo sa aming mga kliyente, na tutugon sa kanilang layunin sa pag-i-invest.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga nakilala namin sa Investing Roma dahil sa tunay na interes na ipinakita nila sa XM.