Dumalo ang XM sa ITForum Expo sa Pag-invest at Pag-trade sa Milan

Nakapaskel Disyembre 2, 2019 ng 12:57 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa loob nitong mga nakaraang taon, nakapunta na ang XM sa napakaraming mga expo sa Italya na may kinalaman sa pananalapi, dahil sa pangunahing layunin na makipag-ugnayan sa mga kliyente at ipakita ang malawak na hanay ng mga serbisyo at produkto nito sa mga nag-i-invest online.

Noong Nobyembre 27, ang prestihiyosong ITForum expo sa pag-invest at pag-trade ay idinaos sa Milan para magbigay ng iisang lugar sa mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo at mga indibidwal na bisita upang magkakilala at makapaghalubilo.

Dahil ang ITForum ay nagkaroon na ng magandang reputasyon sa loob ng mga nakaraang taon, ang pinakabago nitong expo sa Milan ay marami na namang naidulot sa mga indibidwal na nag-i-invest na gustong makausap at makasalamuha ang mga exhibitor.

Ang isang araw na expo, na idinaos sa Palazzo Delle Stelline, ay nagtampok ng makabuluhang programa sa mga bisita, kabilang ang mga pulong, masinsinang talakayan at mga workshop. Higit pa dito, lahat ng mga pumunta sa ITForum ay nagkaroon din ng oportunidad na bumisita sa opisyal na booth ng XM at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga maaring ialok ng kumpanya sa mga kliyente sa Italya.

Bukod sa natutuwa kaming makabalik ulit sa Milan, isa ding malaking karangalan ang makilala sa personal ang marami sa mga kasalukuyan at potensyal naming kliyente. Sa huli, lubos naming pinapahalagahan ang personal na pakikitungo, pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng mga ideya. Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa expo na nagpakita ng tunay na interes sa XM.