Lumahok ang XM sa Salon du Trading 2019 sa Paris

Nakapaskel Oktubre 7, 2019 ng 8:35 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon, lumahok ang XM sa internasyonal na trade fair sa kapital ng France, na dedikado sa pag-i-invest online.

Ang ika-14 na edisyon ng Salon du Trading trade fair na naka-base sa Paris ay isinagawa nitong Setyembre 13 at isang taunang kaganapan para sa mga kumpanya at mga indibidwal na nagti-trade, kung saan dinaluhan ito ng napakaraming mga exhibitor at bisita. Isinagawa sa Espace Champerret, ang trade fair ay nagdaos din ng iba’t-ibang pagpupulong na may kinalaman sa pag-i-invest, kaya naman natugunan nito ang pangangailangan ng daan-daang nag-i-invest online na interesadong matuto tungkol sa mga tiyak na pamamaraan sa pag-trade at pagpapababa ng risk.

Bilang isa sa mga pangunahing exhibitor, lumahok ang XM sa buong araw na Salon du Trading para sa layuning makipag-ugnayang muli sa lahat mga kasalukuyang kliyente at partner na gustong makilala ang mga kinatawan ng aming kumpanya, at salubungin ang mga potensyal na kliyente na gusto pang malaman ang hanay ng mga serbisyo ng XM.

Natutuwa kaming magkaroon ng oportunidad na makilala ang mga bisita sa booth ng XM, dahil naniniwala kami na susi ang direktang komunikasyon para mas mapatibay ang ugnayan ng aming kumpanya at ng mga kasalukuyan at bagong kliyente. Kaya naman, gusto naming pasalamatan ang bawat isa sa mga pumunta sa Salon du Trading dahil natutuwa kaming makilala sila at nasasabik na kaming makabalik sa France sa lalong madaling panahon.