Pupunta ang XM sa Investing Roma sa Italya Ngayong Oktubre

Nakapaskel Setyembre 3, 2019 ng 7:32 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos makapunta sa mahigit tatlumpung pinansyal na expo sa buong Europa para makilala ang mga kasalukuyan at potensyal na kliyente sa personal, ngayong Oktubre babalik ang XM sa lungsod ng Roma, sa Italya, para lumahok sa Investing Roma sa Oktubre 4.

Ang buong araw na expo na Investing Roma ay gaganapin sa Centro Congressi Roma, Piazza della Pilotta 4 sa kapital ng Italya, ang Roma, na kilala bilang isa sa mga pangunahing sangay sa pandaigdigang ekonomiya. Dadalo ang XM sa nalalapit na expo bilang isa sa pinakamalaking kumpanya ng broker na nakapag-serbisyo na sa mga Italyanong nag-i-invest online gamit ang malawak na hanay ng mga serbisyo sa loob ng maraming taon. Gusto na naming makitang muli ang mga kasalukuyang kliyente at makilala ang mga bisita sa opisyal na booth ng kumpanya sa expo.

Nasasabik na ang mga kinatawan ng XM na makilala sa personal lahat ng mga pupunta sa XM booth blg. 5, at makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa mga paksang may kinalaman sa pag-i-invest, katuwang ng mga nagti-trade na gusto pang matutunan ang mga serbisyo ng aming kumpanya.

Ang Investing Roma ay hindi lang nagbibigay ng malawak na programa para sa mga bisita na gustong malaman ang kabuuang estado ng pananalapi sa ika-21 siglo, ngunit nagbibigay din ito ng iisang lugar para sa mga tagapagbigay ng pinansyal na serbisyo at mga indibidwal na nag-i-invest para makapaghalubilo at mapalapit sa isa’t-isa. Sa nalalapit na okasyon, nasasabik na kaming makilala ang lahat ng mga gustong makatanggap ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng pag-trade at magkakaibang pagpipilian sa pag-i-invest na inaalok ng XM sa mga Italyanong nagti-trade online.

Pumunta at kilalanin kami sa Roma ngayong Oktubre 4 dahil gusto ka naming makilala! Para sa karagdagang detalye tungkol sa expo, mangyaring mag-click dito.