Nagsagawa ang XM ng Libreng Forex Seminar sa Manila at Cagayan de Oro

Nakapaskel Marso 18, 2019 ng 1:58 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos magsagawa ng mga forex trading seminar sa iba’t-ibang lungsod sa Pilipinas noong nakaraang taon, ngayong 2019 ipinagpatuloy pa ng XM ang mga pang-edukasyonal na seminar nito para sa mga Pilipino, kung saan ang unang dalawang destinasyon ay ang Manila noong Pebrero 23 at Cagayan de Oro noong Marso 9.

Sa parehong Manila at Cagayan de Oro, si Jonathan Lou Reyes, ang Punong Tagapagturo sa Pilipinas, ang pumukaw sa atensyon ng napakaraming mga baguhan at beteranong nag-i-invest online. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano gamitin ang iba’t-ibang makapangyarihang istratehiya na magagamit sa swing trading.

Ang praktikal na gabay at mapapakinabangang payo ni Jonathan Lou Reyes ay may layuning maipakita sa mga bisita kung paano magkaroon ng kamalayan sa tamang paggamit ng technical analysis sa pag-trade, pati na makapag-plano at makapag-trade gamit ang mga pamamaraan sa pamamahala ng risk.

Sa seminar, may oras na inilaan para ipakita ang praktikal na paggamit ng ilan sa sariling trading tools ng Tradepedia, na idinisenyo para tulungan ang mga nag-i-invest na matukoy ang mga trend at planuhin nang mas mainam ang pagpasok at paglabas sa market.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bagong kliyente ng XM na dumalo sa aming seminar sa bawat siyudad. Gayundin, natutuwa kaming imbitahan lahat ng mga gustong pumunta sa aming mga nalalapit na seminar sa iba pang lokasyon sa Pilipinas.

Para mag-rehistro at makapunta nang libre sa seminar na pinamagatang Mga Pamamaraan sa Avramis Forex Swing Trading, mangyaring mag-click dito.