Nagbigay Donasyon ang XM Matapos ang Lindol sa Lombok

Nakapaskel Setyembre 7, 2018 ng 12:35 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang mahalagang parte ng CSR ng XM, nangunguna ang pagtulong sa mga indibidwal at mga komunidad na nangangailangan – at higit sa lahat, kasabay ng patuloy na dedikasyon.

Ang isla sa Indonesia na Lombok, na tinamaan ng nakapipinsalang 6.9 magnitude na lindol noong August 5, 2018, ay nakaranas na ng mahabang serye ng mga matitinding kalamidad na karaniwang dinadanas ng mga isla na makikita sa Indian Ocean at Pasipiko.

Ang tulong na ibinigay ng XM para mapaginhawa ang sakit at pag-aalala ng mga nangangailangan ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa ACT (Fast Action Response), isang foundation sa Indonesia na nagsasagawa ng pandaigdigang kawanggawa para sa lipunan, na suportado ng mga indibidwal.

Dahil maraming mga mamamayan na ang namatay sa lindol at libu-libo ang nasaktan, ang Lombok ay lubos na naghihikahos at naghihirap mula sa pagkabigla na idinulot ng nasabing pangyayari.

Para makatulong sa positibong pamamaraan sa panahon ng kawalan ng pag-asa, nagbigay ang mga kinatawan ng XM ng pagkain, medisina at mga pang-araw-araw na kailangan sa mga mamamayan ng Lombok at kanilang mga pamilya.