Kawanggawa ng XM para sa mga Kabataan sa Timog-Silangang Asya

Nakapaskel Marso 28, 2019 ng 12:58 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Marso, naghatid ang XM ng dalawang magkasunod na donasyon sa Timog-Silangang Asya, na parehong may layuning suportahan ang misyon ng XM Foundation para makatulong sa kapakanan ng mga kabataan sa isang makahulugang paraan.

Ang mga hakbanging ito na nakatuon sa mga bata ay isinagawa sa Indonesia noong Marso 20 at sa Malaysia noong Marso 21. May layunin itong makapagbigay ng pag-asa sa pangmatagalang pag-unlad, kalusugan at kapakanan ng mga batang nangangailangan, at para masiguro ang pantay-pantay na oportunidad ng mga kapus-palad na menor de edad.

Katuwang ng organisasyon sa Indonesia na Rumah Harapan, na dedikado sa pagbibigay ng tirahan sa mga batang galing sa mahihirap na pamilya na nakatira sa labas ng Jakarta, nakatulong ang XM sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, medisina at damit, na siyang kinakailangan ng mga sanggol.

Kinabukasan, nagpatuloy ang mga dedikadong miyembro ng aming kumpanya patungong Malaysia, kung saan nakipag-ugnayan sila sa Rumah Ilham, isang bahay-ampunan na makikita sa pangunahing parte ng Kuala Lumpur, ang Taman Tun Dr Ismail, para magpamahagi ng pagkain sa mga batang nakatira doon.

Ang parehong donasyon ng XM ay pinahalagahan ng lokal na komunidad, at natutuwa kaming makilala at masiguro sa kanila na nandito ang XM Foundation para tulungan silang baguhin ang kinabukasan ng mga bata.