Kawanggawa ng XM sa Makati, sa Pilipinas

Nakapaskel Oktubre 2, 2018 ng 7:07 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nitong nakaraang buwan, nagsagawa ang XM ng kawanggawa sa Pilipinas para sa kapakanan ng mga taong may kapansanan.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa KAISAKA, isang programa na naka-tuon sa rehabilitasyon ng mga komunidad para mabawasan ang hikahos ng mga may kapansan, bumisita ang XM noong September 21 sa mga maralitang taga-lungsod sa Makati, na parte ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas, para magbigay tulong sa mga may kapansanan at kanilang mga pamilya.

Mula noong magsimula ito, layunin na ng XM na ipaglaban ang karapatan ng mga nangangailangan at tumulong sa kanilang pagbalik sa lipunan. Sumasalamin sa misyong ito ang aming kawanggawa sa Makati dahil sa layuning makatulong sa mga indibidwal na nagdurusa dahil sa kapansanan, at makapagsagawa ng tunay na pagbabago sa kanilang hinaharap.

Sa kawanggawa na idinaos noong September 21, kinilala ng mga kinatawan ng aming kumpanya ang mga miyembro ng lokal na komunidad at nagpamahagi sila ng mga pagkain, kagamitang pang-eskwela, damit at kagamitang pangkalusugan, kabilang na ang wheelchairs, sa mahigit sa 60 batang nagtitiis sa mga malalang kapansanan.

Ang pangarap ng XM na makatulong sa mga sambayanan ay nakamit na naman sa tunay na buhay. Nasisiyahan kaming makatulong, at ang aming pagkukusa ay sinuklian ng ngiti ng mga bata at kanilang mga pamilya na nakasalamuha namin sa Makati sa loob ng isang araw. Hindi pa din natitinag ang aming pananalig na maging responsable sa lipunan at makatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga kapus-palad.