Kawanggawa ng XM Kasama ng ActionAid – Magkatuwang na Pagsuporta sa Kabataan

Nakapaskel Mayo 3, 2019 ng 12:56 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Nagpapatuloy ngayong taon ang inisyatiba ng XM na sinimulan noong 2017, sa pakikipagtulungan sa ActionAid, para makapag-ambag sa internasyonal na Programa sa Pagsuporta sa Kabataan.

Sa panahon ngayon kung saan dumadami ang bilang ng mga batang naghihikahos mula sa matinding kahirapan, at patuloy na lumalala ang pagiging salat sa kalusugan at lipunan, ginagawa ng XM Foundation ang makakaya nito para matulungan ang mga apektadong komunidad at maibsan ang malupit na kinakatayuan nila sa buhay.

Nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga bata sa buong mundo, ang kampanyang inilunsad noong 2017 ay may layuning makapag-sponsor ang XM ng 40 batang naninirahan sa Africa at Timog Asya, sa tulong ng ActionAid. Ang pag-sponsor ng XM ay nagpapatuloy na sa loob ng halos dalawang taon, sa pakikipagtulungan sa nasabing organisasyon. Tunay itong nakapagdulot ng positibong epekto sa kapakanan ng 15 bata mula sa Bo, Sierra Leone, 15 bata mula sa Senanga, Zambia at 10 bata mula sa Madarganj, Bangladesh. Kaya naman, dahil sa aming pangmatagalang programa katuwang ng ActionAid, maraming bata at pamilya ang nakakatanggap na ng suportang pinansyal at moral, na siyang nakakatulong sa pamantayan ng pamumuhay, edukasyon at araw-araw na buhay.

Sa XM, naniniwala kami na ang kawanggawang sinimulan namin katuwang ng ActionAid ay may makabuluhang saysay, ayan ay, para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga kapus-palad na kabataan; at natutuwa kaming nagtatagumpay ang aming mga pagsisikap.