Nagtapos ang Serye ng mga XM Forex Trading Seminar sa Thailand

Nakapaskel Mayo 25, 2017 ng 7:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nagsimula noong March 18 ngayong taon, ang serye ng mga pang-edukasyonal na forex trading seminar sa Thailand ay umabot na sa huling dalawa nitong destinasyon: ang Hat Yai noong ika-6 ng May at Nakhon Ratchasima (Khorat) noong ika-20 ng May.

Ang serye ng libreng mga seminar na nagsimula sa Thailand ngayong tagsibol at nakapunta sa limang mga siyudad ay nagtapos nang matagumpay ngayong May, at nakapag-imbita ng napakaraming mga trader mula sa bansa.

Ang forex instruktor na si Sompop Jittrakul ay nagbigay ng presentasyon na pinamagatang Ang Avramis Swing Trading sa Hat Yai at Nakhon Ratchasima sa mga online investors na interesado sa mga teknik sa technical analysis. Sa bawat siyudad, ang seminar ay tumuon sa swing trading, partikular na sa iba’t-ibang mga istratehiya na ginagamit para malaman at mag-analisa ng direksyon ng presyo, alamin ang lakas ng strength at maglapat ng tamang position sizing para sa tamang risk management.

Mula sa mas malinaw na pagkakaintindi sa forex markets hanggang sa paggamit ng indicators ang mga dumalo ay naging pamilyar sa iba’t-ibang mga teknik na ginagamit sa forex swing trading, na ipinakita ni Sompop Jittrakul sa pamamagitan ng mga praktikal na halimbawa.

Ang mga kinatawan ng XM na dumalo sa bawat lokasyon ay nagkaroon na naman ng oportunidad na makipag-ugnayan muli sa aming mga kliyente sa Thailand nang personal. Ikinatutuwa naming makilala ang marami sa aming mga kasalukuyan at bagong kliyente sa Hat Yai at Nakhon Ratchasima, at babalik kami sa 8 siyudad sa Thailand para sa iba pang forex trading seminars na idinisenyo para sa mga baguhan at batikang traders.

Ang rehistrasyon para sa serye ng mga seminar ngayong tag-ignit ay bukas na para sa Bangkok, na gaganapin sa ika-3 ng June. Para magbasa pa at mag-rehistro na, mag-click dito.