Kawanggawa ng XM at YKAKI para Suportahan ang mga Batang may Kanser

Nakapaskel Agosto 5, 2019 ng 8:10 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Hulyo 17 ngayong taon, nag-organisa ang XM ng kawanggawa sa Indonesia sa pakikipagtulungan sa lokal na organisasyon na YKAKI. Tumulong kami sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon upang maibsan ang desperadong sitwasyon ng mga batang naghihikahos sa kanser.

Ang mga dedikadong kinatawan ng aming kumpanya na aktibong sumasali sa misyon ng XM na bumisita sa magkakaibang bahagi ng mundo kung saan nangangailangan ng tulong ang lokal na komunidad, ay bumalik sa Indonesia ngayong Hulyo para magbigay ng donasyon sa YKAKI Foundation, na may layuning tulungan ang mga batang naghihikahos sa kanser at kanilang mga pamilya.

Sa pagsisikap na makatulong sa kapakanan ng mga batang sapilitang lumalaban sa matinding karamdaman, nagbigay ng pagkain ang XM sa YKAKI, kabilang na ang mga kailangang kagamitan at aksesorya para sa mga sanggol, pati na mga kagamitan sa pagligo, kalusugan at kalinisan, kagamitan sa kusina, at pang-edukasyonal na gamit para sa mga sanggol tulad ng mga libro at laruan.

Naniniwala ang XM sa paglalaganap ng kaalaman tungkol sa mga kritikal na isyu sa lipunan na nakakaapekto sa libu-libong tao at pagsuporta sa mga komunidad na nangangailangan. Nakipagtulungan kami sa YKAKI dahil nananatili kaming tapat sa dedikasyong ito, at ang kawanggawa na idinaos katuwang ng mga miyembro ng YKAKI at marami pang bata na kanilang natulungan ay isang napaka-espesyal na araw para sa amin.