Donasyon ng XM sa Maison Chance Foundation para sa mga Kabataan

Nakapaskel Hulyo 3, 2020 ng 9:44 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Hunyo 24, nagsagawa ng isa pang kawanggawa ang XM sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Maison Chance Foundation sa Vietnam.

Mula umpisa, malaki ang natutulong ng corporate social responsibility ng kumpanya sa pagsuporta sa mga maralitang kabataan na hindi pinalad sa kalusugan, edukasyon at kinabukasan. Kaya naman, isinaisip namin ito noong nakipagtulungan kami sa NGO na Maison Chance sa Ho Chi Minh, na may layuning makapagbigay ng ligtas na tirahan at mga pangangailangan sa mga batang may kapansanan, upang magkaroon sila ng marangal na buhay.

Dahil nagbibigay ng kanlungan ang organisasyon para sa mga batang lansangan, ulila at mga may kapansanan, at sinisiguro nito ang kapaligiran na tulad ng isang pamilya kung saan hinihikayat silang mag-ehersisyo at matutong makisama sa lipunan, napakahalaga ng pisikal na edukasyon. Kaya naman, nagbigay ang XM ng mga kagamitang pang-isport sa Maison Chance para sa mga batang natutututong lumangoy. Makakatulong ito upang lumakas, maging maliksi at tumibay ang kanilang katawan, na lubhang makakabuti sa kanilang kapakanan.

Pinasasalamatan namin ang Maison Chance dahil sa kanilang mainit na pagtanggap at pagpapakita ng kanilang lugar sa mga miyembro ng aming kumpanya. Pinapahalagahan namin ang mga sandaling nakakataba ng puso kasama ng mga bata, na sinisikap mabigyan ng mas magandang kinabukasan sa tulong ng dedikasyon at pagkalinga.