Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Red Cross Cyprus

Ipinaskil Agosto 2, 2021 ng 8:31 AM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa misyon ng Red Cross sa Cyprus, ang Cyprus Red Cross Society (CRCS), para makabili ng minivan na may espesyal na gamit, pati na ng wheelchair para pangasiwaan ang ligtas na transportasyon ng mga pasyente. Sa paglipas ng mga taon, nagbago na ang misyon ng Red Cross. Una itong itinatag para magbigay ng tulong sa mga nasugatan sa digmaan, pero mayroon na ngayon itong mas malawak na layunin upang maiwasan at mapagaan ang pagdurusa ng [..]

post-image

Sumusuporta ang XM sa paglaban ng Thammasat University Hospital sa Covid-19

Ipinaskil Hulyo 19, 2021 ng 12:06 PM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa Thammasat University Hospital sa Thailand bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na gamutin ang mga pasyenteng naapektuhan ng Covid-19. Ang Covid-19 ay ang pinakamalaking pandaigdigang krisis magmula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at patuloy pa rin ang matinding pagsisikap na limitahan ang idinudulot nitong pinsala. Maraming ospital, kabilang ang Thammasat University Hospital, ang nakikipaglaban para matugunan ang dumadaming bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng panggagamot. Tinugunan ng XM ang panawagan ng Thammasat University Hospital na makalikom [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang Misyon ng Malala Fund na Mabigyan ng Edukasyon ang Bawat Batang Babae

Ipinaskil Mayo 25, 2021 ng 9:56 AM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa Malala Fund bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na mabigyan ng edukasyon ang mga batang babae sa buong mundo. Mahigit 130 milyong batang babae sa daigdig ang hindi nakatatanggap ng edukasyon. Maraming dahilan kung bakit: kahirapan, giyera at pananamantala, bukod pa sa diskriminasyon sa kasarian at maagang pag-aasawa. Umaabot sa lokal, pambansa at internasyonal na lebel sa buong mundo ang pagsisikap ng Malala Fund na mapahusay ang edukasyon. Misyon nilang masiguro na maraming batang babae [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang pagsisikap ng UNICEF na makapaghatid ng 2 bilyong bakuna sa Covid-19

Ipinaskil Mayo 13, 2021 ng 9:21 AM GMT

Nagbigay ng donasyon ang XM sa UNICEF bilang pagsuporta sa kanilang pagsisikap na makapaghatid ng dalawang bilyong bakuna sa Covid-19 para sa mga health workers at pinaka-nangangailangang tao sa planeta. Misyon ng UNICEF ang isang malawakang proyekto sa pag-supply na binubuo ng pagbili, paghahatid at pagbibigay ng bakuna sa mga pinakaliblib na lugar sa mundo. Ang Covid-19 ay ang pinakamalaking krisis sa mundo mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at kailangan ngayon ng labis na pagsisikap para mapababa ang pinsala na [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.