Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa National Cancer Society Malaysia

Ipinaskil Mayo 6, 2021 ng 12:03 PM GMT

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng XM na tulungan ang mga taong nangangailangan sa buong mundo, nagbigay kami ng donasyon sa National Cancer Society Malaysia (NCSM). Ang organisasyong ito ay nagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa holistic na paggamot sa mga pasyenteng may kanser, pati na sa kanilang mga tagapag-alaga at pangkalahatang publiko. Sa pamamagitan ng mga espesyal nitong klinika, mayroon itong screening para sa kanser at kalusugan, nuclear medicine, at mga programa sa bahay ampunan, magpagkukunan at kapakanan [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Siap Siaga ng Indonesia

Ipinaskil Abril 2, 2021 ng 8:46 AM GMT

Noong Pebrero 25, 2021, nagbigay ng donasyon ang XM sa proyektong pangkawanggawa sa Indonesia na Siap Siaga para mangalap ng pondo at makapagbigay ng pagkain at mga kagamitang medikal at pangkalinisan sa mga biktima ng lindol na sumalanta sa rehiyon kamakailan. Ang Siap Siaga ay proyekto ng Dompet Dhuafa, isang non-profit na organisasyon sa Indonesia na nagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan. Ang aming donasyon ay napunta sa pamamahagi ng mga hygiene kit sa mga biktima ng lindol. Patuloy [..]

post-image

Sinusuportahan ng XM ang Go with the Flow

Ipinaskil Marso 29, 2021 ng 11:48 AM GMT

Natutuwa kaming ibalita ang matagumpay na pagpapatuloy ng aming taunang suporta at pakikipagtulungan sa Go with the Flow, isang grupong pangkawanggawa na tumutugon sa kalinisan at problema ng mga kapus-palad na kababaihan sa Uganda. Hindi pumapasok sa paaralan ang mga batang babae sa Monde orphanage sa Uganda kapag wala silang mga produktong pangkalinisan tuwing mayroon silang buwanang dalaw. Sa halip, gumagamit sila ng mga basahan o dahon na napakadumi, hindi komportable, at nakakahiya, kaya naman imposible para sa kanila na [..]

post-image

Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Pampublikong Ospital sa Mexico City

Ipinaskil Marso 23, 2021 ng 12:57 PM GMT

Gusto naming ibalita na noong Pebrero 12, 2021, nagbigay kami ng mga kagamitang medikal sa pamamagitan ng Universidad Panamericana para sa mga doktor ng ospital na 20 de Noviembre, isang pampublikong ospital sa Mexico City, para tulungan silang labanan ang Covid-19. Kabilang sa mga kagamitan ang mga face mask, guwantes at medikal na gown. Isa ang Mexico sa pinakaapektadong bansa sa buong mundo, at kabilang ito sa nangungunang 15 bansa na may pinakamaraming kaso ng Covid-19. Ito din ang ika-3 [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.