Nagbigay ng Donasyon ang XM sa mga Biktima ng Wildfires sa Greece

Nakapaskel Hulyo 31, 2018 ng 12:40 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang pagkukusa para pahupain ang pinsala na naidulot ng mga nakawasak na wildfires sa Greece nitong July, nagbigay ang XM ng 5,000 EUR sa mga biktima at kani-kanilang mga pamilya para mabawasan ang sakit ng trahedya na kanilang dinanas.

Dumadami kada araw ang 70 kataong namatay at mahigit sa 200 nakaligtas mula sa wildfires na nagsimula sa paligid ng Athens, ang kapital ng Greece, at nag-resulta ito sa mahigit 700 katao na pinalikas mula sa lugar ng Mati.

Ang matinding kalamidad na ito ay hindi lamang pinagmulan ng pag-aalala mula sa XM, ngunit nagsanhi din ito ng agarang pagtugon para mapaginhawa ang paghihirap at lungkot ng mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay.

Ang abuloy na ibinigay ng XM ay para matulungan ang mga lubos na naapektuhan nitong sakuna na naganap sa Greece at simbolo din ito ng aming taos-pusong pangako na laging sumaklolo sa mga naghihirap at nangangailangan ng tulong.

Sa kabila nitong kalunus-lunos na trahedya, nais ipahayag ng XM ang pakikiramay nito sa mga biktima at kanilang mga pamilya at inaasahan namin na ang pinansyal na tulong na aming ibinigay ay makaka-ambag para sa kanilang kapakanan.