Nagbigay ng Donasyon ang XM sa GMA Kapuso Foundation para Sugpuin ang COVID-19

Nakapaskel Mayo 15, 2020 ng 9:37 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagtatangkang makapag-ambag sa layuning panlipunan ng iba’t-ibang bansa at mga naghihikahos na komunidad na nangangailangan ng suporta, noong Mayo 7 nagbigay ng donasyon ang XM sa GMA Kapuso Foundation sa Pilipinas, upang sugpuin ang COVID-19 sa bansa.

Ang desperadong pagsisikap sa buong mundo para magamot ang mga taong tinamaan ng COVID-19, at protektahan ang kalusugan ng mga nalalantad dito, ay nagpapatuloy din sa Pilipinas, kung saan lumilikom ng donasyon ang mga organisasyon tulad ng GMA Kapuso Foundation para masuportahan ang higit sa pitong ospital sa panahong ito.

Para pangasiwaan ang layunin ng GMA Kapuso Foundation na tumuon sa pagtulong sa mga nangangailangang pamilya, pati na sa paghatid ng mga kagamitang medikal sa frontliners, nagbigay ng donasyon ang XM sa organisasyon noong Mayo 7. Gamit ang aming donasyon, layunin naming tumulong sa inisyatibo ng GMA Kapuso Foundation para suportahan ang mga kawani sa kalusugan na nagtatrabaho sa mga ospital sa buong bansa, kung saan ang kanilang walang humpay na pagsisikap ay may napakahalagang papel sa pagsagip ng mga buhay.

Habang tila nalampasan na ng maraming bansa ang pinkamalalang hagupit nitong pandemic, nananatili pa ding isang malaking banta sa pandaigdigang populasyon itong nakamamatay na virus. Naniniwala kami sa XM na ang bawat kilos ng pagkakaisa ay isang hakbang para magtagumpay laban sa COVID-19 nang magkasama at kapit-bisig.