Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Pampublikong Ospital sa Mexico City

Nakapaskel Marso 23, 2021 ng 12:57 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Gusto naming ibalita na noong Pebrero 12, 2021, nagbigay kami ng mga kagamitang medikal sa pamamagitan ng Universidad Panamericana para sa mga doktor ng ospital na 20 de Noviembre, isang pampublikong ospital sa Mexico City, para tulungan silang labanan ang Covid-19. Kabilang sa mga kagamitan ang mga face mask, guwantes at medikal na gown.

Isa ang Mexico sa pinakaapektadong bansa sa buong mundo, at kabilang ito sa nangungunang 15 bansa na may pinakamaraming kaso ng Covid-19. Ito din ang ika-3 sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng namatay dahil sa Covid. Ang mga pampublikong ospital sa Mexico ay nahihirapang makapagbigay ng sapat na kagamitang medikal para sa kanilang mga doktor.

Nananatili ang aming dedikasyon sa pagsuporta sa mga kapus-palad at mga nangangailangan sa buong mundo. Marami pa kaming nalalapit na inisyatiba sa pagtulong sa lipunan, upang makapagbigay ng pantay na oportunidad sa mga tao hangga’t maaari, at para gawing mas magandang lugar ang mundo.

Para alamin kung ano ang Universidad Panamericana, pwede mong bisitahin ang kanilang website dito.