Nagbigay ng Donasyon ang XM sa National Cancer Society Malaysia

Nakapaskel Mayo 6, 2021 ng 12:03 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng XM na tulungan ang mga taong nangangailangan sa buong mundo, nagbigay kami ng donasyon sa National Cancer Society Malaysia (NCSM).

Ang organisasyong ito ay nagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa holistic na paggamot sa mga pasyenteng may kanser, pati na sa kanilang mga tagapag-alaga at pangkalahatang publiko. Sa pamamagitan ng mga espesyal nitong klinika, mayroon itong screening para sa kanser at kalusugan, nuclear medicine, at mga programa sa bahay ampunan, magpagkukunan at kapakanan ng mga tao, at programa para tumigil sa paninigarilyo. Nakatutulong ang mga donasyon para makapagbigay ng positibong epekto sa buhay ng mga pasyenteng may kanser dahil tinutugunan nito ang mga pangangailangang may kinalaman sa tirahan, kalusugan, edukasyon at iba pang may kaugnayan sa kanser.

Ang National Cancer Society Malaysia ay itinatag noong 1966 ng unang oncologist sa Malaysia, ang yumaong si Dato’ Dr S.K Dharmalingam, at inilunsad ng dating punong ministro ng Malaysia, ang yumaong si YAB Tun Abdul Razak. Kasalukuyan itong pinangangasiwaan sa patnubay ng Kanyang Kamahalan na si Sultan Paduka Seri, Sultan Perak Darul Ridzuan, Sultan Nazrin Muizzudin Shah.

Lubos naming sinusuportahan ang pangunahing prinsipyo ng NCSM na ipagdiwang ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa, pati na ang pangarap nitong magkaroon ng mundo na walang kanser. Dedikado ang XM sa pagtulong sa mga nangangailangan at kapus-palad sa buong mundo, sa pamamagitan ng patuloy na mga inisyatiba sa responsibilidad sa lipunan.

Para magbasa pa tungkol sa National Cancer Society Malaysia at makapagbigay ng donasyon, pumunta sa kanilang website dito.