Donasyon ng XM sa Bangkok para Sugpuin ang Covid-19

Nakapaskel Hunyo 12, 2020 ng 7:35 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa layuning makatulong sa frontliners na nalalantad sa Covid-19 pandemic dahil sa kanilang mga trabaho, nagbigay ang XM ng donasyon sa Bhumibol Adulyadej Hospital sa Bangkok noong Mayo 22.

Simula noong pumutok ang pandemic, nagsagawa ng mga inisyatibo ang XM bilang bahagi ng corporate social responsibility nito, sa pamamagitan ng mga donasyon sa mga pangkalusugang institusyon na nagsisikap nang husto para labanan ang Covid-19.

Dahil umabot na ng higit sa 7 milyon ang mga nahawa sa buong mundo, patuloy ang pagsisikap upang mapigilan ang virus at protektahan ang mga buhay. Ang donasyon ng XM sa Bhumibol Adulyadej Hospital Foundation, na lumilikom ng pondo para sa kagamitang medikal ng kanilang mga tauhan, ay isang pagtugon sa marangal na layunin para tulungan ang mga frontliner na walang tigil sa pagpupursigi na pangalagaan ang mga buhay.