Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Covid-19 Relief Fund ng Saigonchildren

Nakapaskel Abril 21, 2020 ng 9:36 am GMT. Magbasa Pa Balita

Simula noong pumutok ang coronavirus pandemic, nagsikap na nang husto ang XM para maibsan ang matinding pagsubok na dulot ng novel coronavirus pandemic sa buhay ng mga tao.

Sa pagsisikap na makatulong sa mga naghihikahos na komunidad, noong Abril 15 nagbigay ng donasyon ang XM sa Covid-19 Emergency Support Fund ng Saigon Children’s Charity CIO (Saigonchildren), isang organisasyon sa Vietnam na dedikado sa pagtulong sa mga kapus-palad na kabataan.

Habang ang bilang ng mga nahawa sa Covid-19 sa buong mundo ay umabot na sa mahigit 2 milyon, ang intensyon na tumulong at makiisa ang mag-uugnay sa ating lahat. Nakataya din ang kalusugan ng mga bata dahil nalalantad din sila dito sa nakamamatay na sakit tulad ng mga nakakatanda. Dahil nakakarating ang Corporate Social Responsibility ng XM sa mga lokal na komunidad na nalalagay sa peligro, naniniwala kami na ang donasyon na ibinigay sa Saigonchildren ay makakatulong sa organisasyon upang protektahan ang kalusugang pisikal at kaisipan ng mga bata sa Vietnam dahil sa sama-samang pagsisikap.

Kung gusto mong tumulong, mangyaring ibigay ang iyong donasyon sa Covid-19 Emergency Support Fund ng Saigonchildren -> dito.