Nag-donate ang XM sa Lebanese Red Cross

Nakapaskel Agosto 6, 2020 ng 12:02 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Ikinagulat ng buong mundo ang napakalaking pagsabog na nangyari noong Agosto 4 sa daungan ng Beirut. Dahil sa maraming namatay, libo-libong sugatan, 50% ng siyudad na lubhang nasira at hindi pa nalalamang bilang ng mga taong natabunan ng mga gumuhong gusali, isa itong nakapipinsalang sakuna para sa lungsod ng Beirut.

Ipinapabatid namin ang aming simpatya, suporta at pakikiisa sa mga mamamayan ng Beirut sa pamamagitan ng pagbigay ng malaking halaga sa Lebanese Red Cross, upang makatulong sa pagsalba ng mga buhay hangga’t maaari. Hinihiling namin na masagip kaagad ang mga nasaktan at ang mga taong nasa peligro, at gusto naming makiramay sa mga nasawi.

Patuloy kaming nakikiisa sa Lebanon at hinihikayat namin lahat ng mga gustong mag-donate sa Lebanese Red Cross. Makakatulong ang anumang donasyon sa pagsagip ng mga buhay. Para mag-donate mag-click dito.