Tinulungan ng XM ang Non-Profit na Organisasyon na Misr El Kheir para Pondohan ang Malinis na Tubig

Nakapaskel Nobyembre 24, 2021 ng 2:17 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Gusto naming ibalita na nagbigay kami ng donasyon sa non-profit na organisasyon na Misr El Kheir para suportahan ang kanilang pagsisikap na makapagdala ng malinis na inuming tubig sa mga liblib na lugar at lalawigan sa Egypt.

Patuloy na problema ang hindi pagkakaroon ng malinis na tubig sa kanayunan ng Egypt, kung saan milyon-milyong tao ang wala pa ring ligtas na mapagkukunan nito. Ang kakulangan ng malinis na tubig ay nagreresulta sa mababang sanitasyon at pagkalat ng mga sakit, na siyang nakamamatay lalo na sa mga bata.

May matatag na programa ang Misr El Kheir para makapagdala ng malinis na inuming tubig sa mga lalawigan kung saan hindi ito madaling makuha ng mga nakatira doon. Isa itong napakahalagang proyekto at gusto namin silang purihin sa napakaimportanteng trabaho na kanilang ginagawa at kanilang pagsisikap na mapabuti ang buhay ng mga kapus-palad.

Sa XM, naniniwala kami na may karapatan ang lahat na magkaroon ng malinis na tubig at iba pang pangunahing pangangailangan. Patuloy kaming susuporta sa mga komunidad sa buong mundo at magbibigay ng donasyon sa mga nakatutok upang gawing mas ligtas at mas patas na lugar ang ating mundo.

Para alamin pa ang tungkol sa Misr El Kheir at kanilang misyon, at upang makapagbigay ng donasyon, pumunta sa kanilang website dito.