Nag-donate ang XM sa The Mirror Foundation

Nakapaskel Mayo 20, 2022 ng 12:28 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Patuloy ang walang tigil na pagsisikap ng XM na makagawa ng pagbabago sa buhay ng mga kapus-palad.

Ngayong patapos na ang pandemya, mas higit na nangangailangan ng suporta ang mga indibidwal at komunidad na nasa laylayan ng lipunan. Ngayong Marso, nag-abot ng ayuda ang mga kinatawan ng XM sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa NGO na The Mirror Foundation sa Thailand, kung saan nagbigay sila ng damit at mga pangunahing pangangailangan sa mga maralita.

Napakalaki ang ambag ng mga pinakasimpleng kawanggawa. Kapag may respeto at awa sa mga mahihirap, may nagagawang pagbabago ang bawat tulong na ibinibigay sa kanila. Naniniwala kami na ang donasyon namin sa The Mirror Foundation ay gagayahin ng marami pang iba sa buong mundo.

Tungkol sa The Mirror Foundation

Itinatag noong 1991, itong NGO sa Thailand ay nakatuon sa pagtataguyod ng karapatang pantao, kapakanang panlipunan, at edukasyon (kabilang ang pagsasanay sa mga boluntaryo), pati na ang makabagong media at teknolohiya para sa mga batang nasa laylayan ng lipunan. Misyon ng The Mirror Foundation ang paglulunsad ng mga aksyon para tulungan ang mga nasalanta ng sakuna, at labanan ang mga problema sa lipunan at pananamantala sa mga batang pinupuwersang mamalimos sa lansangan.

Mag-donate sa The Mirror Foundation dito.