Nagbigay ng Donasyon ang XM sa World Health Organization para Labanan ang COVID-19

Nakapaskel Marso 20, 2020 ng 10:56 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pagtatangkang mapuksa ang pandemic na sanhi ng coronavirus (COVID-19), nagbigay ng malaking donasyon ang XM sa World Health Organization (WHO) noong Marso 18.

Ang coronavirus outbreak na nagsimula noong Disyembre ay mabilis na umabot sa hindi inaasahang bilang, kung saan nahawa na ang mahigit sa 200,000 katao sa mahigit na 160 bansa at teritoryo sa buong mundo pagdating ng Marso 17.

Habang patuloy na nagtatrabaho ang mga mananaliksik ng medisina para makahanap at masubukan ang bakuna para sa COVID-19, ang buong mundo ay nagpapakita ng pagkakaisa at tumutulong hangga’t makakaya.

Para mabigyang-daan ang lahat ng mga indibidwal, institusyon at korporasyon na magkaisa at makatulong sa pandaigdigang pagsisikap upang labanan ang COVID-19, nakipagtulungan ang World Health Organization sa United Nations Foundation at Swiss Philanthropy Foundation para ilunsad ang Solidarity Response Fund.

Isa itong oras para magkaisa at tumulong sa marangal na layunin na maaring makasagip sa daan-daang libong tao. Iniimbitahan ng XM lahat ng mga kliyente at partner nito na tumulong kung kakayanin, sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Solidarity Response Fund.

Kung gusto mong tumulong, mangyaring magbigay ng donasyon sa Solidarity Response Fund ng WHO -> dito.