Nagbigay ng Donasyon ang XM sa Vietnam Young Physicians Association

Nakapaskel Enero 21, 2021 ng 10:30 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang nakaraang sakuna na tumama sa Gitnang Vietnam sa probinsya ng Quang Binh, Quang Tri at Thua Thien Hue ay nagdulot ng matitinding pag-ulan na sanhi ng pagbaha sa maraming lugar kabilang ang mga nayon, bayan, kalsada at iba pang imprastraktura. Maraming tao ang nawalay, nawalan ng bahay at alagang hayop, at nangangailangan ng matinding tulong para makabalik sa normal na buhay.

Noong Nobyembre 22, 2020, bilang bahagi ng aming patakaran at insyatiba sa corporate social responsibility, nagbigay kami ng donasyon sa programang Para sa mga Taga Sentral ng Vietnam Young Physicians Association para tulungan at suportahan ang mga biktima ng pagbaha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga life jacket, panlinis ng tubig, bangka at iba pang kinakailangan tulad ng mga medikal na pagsusuri, libreng gamot at mga regalo.

Ang Vietnam Young Physicians Association ay itinatag noong 1990 at isa sa pinakakilalang non-profit na organisasyon sa Ho Chi Minh City na binubuo ng grupo ng mga doktor na nangangalap ng donasyon sa mga indibidwal at iba pang organisasyon para suportahan ang mga batang may kapansanan sa bibig nang walang pre-surgery at sa pangkalahatang sektor ng kalusugan.

Patuloy ang aming dedikasyon sa pagtulong sa napakaraming kapus-palad para mabuhay at umunlad sila at ang kanilang mga pamilya at komunidad. Patuloy naming susuportahan sa hinaharap ang Vietnam Young Physicians Association at ang iba pang mga organisasyon sa kawanggawa.