Mga Edukasyonal na Seminar ng XM Idinaos sa Manila at Cagayan de Oro

Nakapaskel Agosto 2, 2019 ng 9:21 am GMT. Magbasa Pa Balita

Dalawa pang edukasyonal na seminar sa forex ang idinaos ng XM sa Pilipinas, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga pumunta na matuto ng praktikal na kaalaman tungkol sa mga pamamaraan sa pag-i-invest online para mapahusay ang kanilang kasanayan sa pag-trade.

Ang mga lungsod na binisita ng aming pangkat ay ang Manila noong Hulyo 13, na sinundan sa Cagayan de Oro noong Hulyo 27. Sa parehong lokasyon, ang Punong Instruktor sa Pilipinas na si Jonathan Lou Reyes ay nagbigay ng presentasyon tungkol sa mga pamamaraan sa technical analysis, nang may espesyal na tuon sa Moving Average Ribbon indicator.

Gamit ang mga halimbawa na madaling intindihin, ipinakita ni Jonathan Lou Reyes kung paano magagamit ang Moving Average Ribbon para matukoy nang mas tama ang lakas ng trend sa market, mabigyang-kahulugan ang mga signal para sa potensyal na pagbabago ng trend, at makita nang mas tama kung saan may support at resistance. Ang parehong seminar ay nagtapos sa diskusyon tungkol sa pamamahala ng pera para mapababa ang risk.

Natutuwa kaming makitang muli ang napakaraming kliyente sa bawat lungsod at gusto namin silang pasalamatan sa kanilang pagpunta sa seminar. Dahil magpapatuloy pa ang aming mga seminar na gaganapin sa Pilipinas, iniimbitahan namin dito ang mga nagti-trade na interesadong mapabuti ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest sa tulong ng libreng edukasyon ng XM.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa mga nalalapit na seminar at makapag-reserba na ng puwesto, mag-click dito.