Inilahad ng XM sa isang kumperensya kung paano mag-trade sa mundong walang katiyakan

Ipinaskil Enero 5, 2022 ng 10:07 AM GMT. Magbasa Pa Balita

Isa sa mahahalagang aspeto ng pagiging matagumpay na trader ay ang pag-unawa sa kung paano naaapektuhan ng mga geopolitical na kaganapan ang mga market sa buong mundo. Sa loob ng maraming taon, tumuon ang XM sa pagpapalaganap sa mga kapwa trader ng kaalaman tungkol sa paksang ito. Ito ang dahilan kung bakit natutuwa kaming ibalita na dumalo kami bilang Gold Sponsor at exhibitor sa ika-59 na ACI World Congress at ika-45 ICA Conference.

Pinamunuan ng tatlong pangunahing samahan sa pananalapi, ang pagpupulong na ito ay dati nang malaking kaganapan sa industriya ng pag-trade sa rehiyon ng MENA. Isinagawa mula ika-17 hanggang ika-20 ng Nobyembre 2021 sa Hilton Al Habtoor sa Dubai, dinaluhan ito ng daan-daang eksperto mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, kung saan nagsama-sama sila para pag-usapan ang isa sa pinakamalalaking isyu na kinakaharap ng bagong henerasyon ng traders.

Ang pagpupulong ngayong taon ay talagang napakahalaga sa kasalukuyang estado ng mundo, dahil tinuunan ng pansin ng mga tagapag-organisa kung paano magpapatuloy sa market ngayong may Covid-19, habang isinasaalang-alang ang pagkagambala sa politika, ekonomiya, at lipunan na nakaapekto sa maraming industriya sa buong mundo.

Ang aming tagapagsalita sa event ay si Avramis Despotis, ang tagapagtatag at CEO ng Tradepedia. Bilang respetadong eksperto sa industriya na kilala dahil sa kanyang paghula sa pagbagsak ng stock market noong 2007 at pagiging dalubhasa sa pag-analisa sa risk, may mahaba na siyang karanasan sa pagtuturo sa mga trader ng iba’t-ibang pangdalubhasang paksa.

Nasaang yugto ka man sa iyong pagti-trade, isang isyu na nakakaapekto sa lahat ay ang pagharap sa market ngayong may pandemya. Maaari kang mag-sign up sa mga forex webinar na pinamumunuan ni Avramis Despotis sa live na edukasyon ng XM na makikita sa aming website.

Salamat sa lahat ng pumunta sa event! Natutuwa kaming makilala kayo sa personal at umaasa kaming maulit ito sa hinaharap.