Eksklusibong Pinansyal na Panayam Idinaos sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Agosto 6, 2019 ng 8:06 am GMT. Magbasa Pa Balita

Nagsagawa ang XM ng eksklusibong pinansyal na panayam sa Kuala Lumpur noong Hulyo 27, kasama ng pakikilahok ng tatlong kilalang pinansyal na eksperto na may layuning magbahagi ng mga kakaibang karanasan at mahahalagang impormasyon tungkol sa estado ng pandaigdigang pananalapi ngayon.

Isinagawa sa Sheraton Imperial Hotel, ang libreng interaktibong seminar ay nagtipon sa mga kilalang eksperto sa market at napakaraming bisita na interesadong makatanggap ng detalye tungkol sa pangkalahatang saloobin ng market, pati na ng mga oportunidad sa pag-i-invest na dala ng pandaigdigang market para sa mga indibidwal na nagti-trade online.

Ang mga tagapagsalita sa seminar ay walang iba kundi ang mga propesyonal na instruktor sa forex at nag-i-invest online na sina Mohd Helmi Izani at Zulle Razak, at espesyal na bisita na si Peter McGuire, ang CEO ng XM Australia. Ang tatlong propesyonal na ito ay may layuning matulungan ang mga pumunta para magkaroon sila ng mas malalim na pag-unawa sa kasalukuyang estado ng pinansyal na market, matukoy ang mga bagong pagkakataon sa pag-i-invest at makakuha ng magandang resulta sa pangmatagalan. Kaya naman malaking bahagi ng panayam ay binuo ng pag-aaral sa macroeconomics, kabilang na ang pagsusuri sa trend ng ekonomiya at mga posibleng epekto ng batas sa pananalapi sa indibidwal na pag-trade.

Gusto naming ipabatid ang aming pagpapahalaga at pasasalamat sa mga pumunta sa seminar, at inaasahan namin na nabigyan namin sila ng hindi malilimutang karanasan dahil sa makabuluhang talakayang ito.