Nagsagawa ang XM ng Confluence Trading Seminar sa Kuala Lumpur

Nakapaskel Oktubre 17, 2019 ng 7:09 am GMT. Magbasa Pa Balita

Ang pinakabago sa malawak na serye ng mga seminar ng XM sa Malaysia ay idinaos sa Kuala Lumpur noong Oktubre 12, kung saan nagkaroon na naman kami ng pagkakataong salubungin ang marami sa mga nagti-trade na gustong magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga pamamaraan sa pag-trade ng forex.

Ang seminar ay isinagawa sa Sheraton Imperial Kuala Lumpur Hotel at nagtampok ng pinagsamang presentasyon nina Zulle Razak at Mohd Helmi Izani, ang dalawa sa pinakakilalang eksperto sa market at batikang instruktor ng forex sa Malaysia. Ang paksa na tinalakay nang husto sa mga bisita ay ang mga pinakamahuhusay na paraan upang gamitin ang confluence techniques sa pag-i-invest online, sa pamamagitan ng Avramis River indicator.

Upang mapakita kung paano matagumpay na pagsasamahin ang magkakaibang istratehiya para matugunan ang mga indibidwal na layunin sa pag-i-invest at ang mga gagamitin na pamamaraan sa pagpapababa ng risk, naglaan ng maraming oras ang mga tagapagsalita tungkol sa praktikal na aspeto ng confluence sa forex. Maliban dito, naging pamilyar din ang mga bisita sa Avramis River, isang indicator na mahalaga para sa mga nagti-trade upang masuri ang galaw ng market at matukoy ang mga instrument na malakas mag-trend.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga pumunta sa seminar ng XM noong Oktubre 12. Tulad ng dati, pinapahalagahan namin ang oportunidad na makasalamuhang muli sa personal ang lahat ng mga kliyente na nagpasyang pumunta sa seminar para mapag-usapan ang kanilang pangangailangan sa pag-invest katuwang ng XM.