Nakarating sa Tanzania, Ghana at Ivory Coast ang Pagtuturo ng XM Tungkol sa Forex

Nakapaskel Nobyembre 13, 2019 ng 9:53 am GMT. Magbasa Pa Balita

Sa kakasimula palang na serye ng mga seminar na idinadaos sa kontinente ng Africa, nakarating na ang XM sa tatlong bansa sa pagitan ng Oktubre 19 hanggang Nobyembre 9, sa Tanzania, Ghana at Ivory Coast, para makapagbigay ng libreng seminar sa mga nagti-trade na interesadong pabutihin ang kanilang kaalaman sa pag-i-invest sa forex, sa tulong ng mahusay na edukasyon.

Ang mga lokasyon na pinili namin para sa aming seminar na pinamagatang Technical Indicators, Oscillators at Japanese Candlesticks ay ang Dar es Salaam, Accra at Abidjan, kung saan nabigyan namin ng pagkakataon ang mga bisita na matuto ng praktikal na paggamit ng mga pamamaraan sa technical analysis.

Sa bawat lungsod, binigyang-diin sa seminar kung paano makapagsagawa ng istratehiya sa pamamagitan ng paggamit ng technical indicators upang matukoy ang kondisyon ng market, nang may espesyal na tuon sa direksyon at lakas ng trend sa market, pati na ang tamang pagbibigay-kahulugan at pagsasagawa ng buy at sell signals.

Habang ang seminar sa Dar es Salaam at Accra ay pinamunuan ng walang iba kundi ang kilalang propesyonal sa market na si Avramis Despotis, na nagturo sa mga pumunta ng mga kinakailangang pamamaraan sa pag-trade ng forex, ang mga bisita naman sa Ivory Coast ay nakatanggap ng detalyadong gabay mula sa technical analyst at instruktor na si Nizar Chaibi.

Tampok sa mga litrato sa ibaba ang mga naganap sa tatlo sa aming mga seminar sa Africa, kung saan natutuwa kaming makilala sa personal ang mga kliyente at ibahagi sa kanila ang kaalaman na maaring makatulong sa kanilang pag-trade sa hinaharap.