Mga Seminar Tungkol sa Forex Technical Analysis Idinaos sa Morocco

Nakapaskel Oktubre 8, 2019 ng 12:57 pm GMT. Magbasa Pa Balita

Sa pangalawang bahagi nitong Setyembre, sinalubong ng XM ang mga nagti-trade sa Morocco, sa pamamagitan ng mga libreng forex seminar na isinagawa sa siyudad ng Casablanca at Agadir.

Idinaos sa Casablanca noong Setyembre 21 at sa Agadir noong Setyembre 28, ang seminar na pinamagatang Pagtukoy sa Trend Reversals gamit ang Candlesticks at Avramis River ay idinisenyo para mapakita kung bakit napakahalaga ng ilang technical analysis tools para magtagumpay sa pagti-trade.

Sa bawat lokasyon ng seminar, ang mga bisita namin ay nagkaroon ng oportunidad na matuto mula kay Habib Akiki, ang Senior Market Strategist ng Tradepedia, ng mapapakinabangang impormasyon tungkol sa mga makapangyarihang pamamaraan sa pag-trade, na ginagamit kapag nagti-trade ng currencies at iba pang pinansyal na instrument.

Sa kanyang presentasyon, ipinakilala ni Habib Akiki sa mga bisita ang lahat ng mahahalagang aspeto sa candlestick chart trading, na nakakatulong sa mga nag-i-invest upang mahulaan ang paggalaw ng market at suriin ang pangkalahatang direksyon ng presyo. Maliban sa pagpapaliwanag ng teorya gamit ang mga tunay na halimbawa, ang mga bisita ay nagkaroon din ng pagkakataong maging pamilyar sa kung paano mapagsasama ang candlestick charts at technical indicators para sa mas tamang datos sa market.

Isa sa mga technical indicators na natututunan ng mga pumupunta sa seminar ng XM ay ang Avramis River, na maaring magamit para madaling matukoy ang galaw at pagbabagu-bago ng market, at malaman ang mga pinansyal na instrument na malakas mag-trend.

Gusto naming pasalamatan lahat ng mga kasalukuyan at bago naming kliyente na dumalo sa aming mga seminar sa Casablanca at Agadir.