Matagumpay na Nagdaos ang XM ng Forex Seminar sa Bangkok

Nakapaskel Nobyembre 27, 2019 ng 9:54 am GMT. Magbasa Pa Balita

Noong Nobyembre 23, ang kapital ng Thailand ang pinili na naman naming lokasyon para magdaos ng malaking seminar para sa mga nag-i-invest na handang mapabuti ang kanilang pagti-trade gamit ang bagong kaalaman para sa mas mahusay na resulta.

Ang aming forex seminar na isinagawa sa Marriott Marquis Queen’s Park Hotel sa Bangkok ay sumalubong sa napakaraming bilang ng mga nag-i-invest online, at pinamunuan ito ni Feungtot Paitivetwanakit.

Ang paksa ng presentasyon ay dedikado para matuto ang mga bisita ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga pamamaraan na siguradong magagamit pagdating sa pagsasagawa ng sistema sa pagti-trade na patuloy na mapapakinabangan sa pangmatagalan.

Ang malalim na pagpapaliwanag ni Feungtot Paitivetwanakit ay nakatulong sa mga bisita para maintindihan kung alin sa mga pamamaraan ang magagamit sa panandalian, katamtaman, o pangmatagalang pag-trade. Bukod pa dito, nagkaroon din sila ng pagkakataong matuto kung paano pumili ng tamang time frame kung kailan magti-trade, paano piliin at gamitin ang technical indicators para matukoy at makumpirma ang lakas ng trend, paano makita ang iyong risk, at kung paano magdesisyon kung kailan papasok o lalabas sa pag-trade nang may mababang risk.

Maliban sa pagbibigay sa mga bisita ng lahat ng kinakailangang impormasyon para mapabuti ang kanilang kasanayan sa pag-trade sa hinaharap, isa na namang magandang karanasan para sa amin ang makipag-ugnayang muli sa napakaraming kliyente sa personal, at salubungin ang mga kliyente na baguhan pa lang sa XM. Gusto naming pasalamatan lahat ng mga nakilala namin sa seminar na ito.