XM Forex Seminar Isinagawa para sa mga Malaysian Traders

Nakapaskel Setyembre 11, 2017 ng 8:40 am GMT. Magbasa Pa Balita

Matapos ang serye ng mga libreng forex trading webinars para sa mga traders na nakatira sa iba’t-ibang parte ng Timog-Silangang Asya, bumalik na naman kami sa Malaysia para bisitahin ang Kuala Lumpur kasama ng seminar na isinagawa noong ika-9 ng September.

Ang propesyonal na forex instruktor at Chief Market Strategist ng Tradepedia na si Mario Pashardes ay nagbigay ng makabuluhang presentasyon tungkol sa kahalagahan ng reversals at breakouts sa online forex trading, kabilang na ang iba’t-ibang uri ng technical indicators na magagamit para matukoy ang mga ito.

Sa pang-umagang sesyon ng seminar, ipinakilala ang mga dumalo sa market trending at naging pamilyar sila sa mga automated trading tools ng Tradepedia na ginawa para tulungan ang mga online investors na tukuyin ang trend strength at bigyang-kahulugan ang top at bottom charts. Sumunod nito, ang pang-hapong sesyon ay tumalakay ng iba’t-ibang eksena sa swing trading at mga pamamaraan para magsagawa ng trades na may mas magandang resulta.

Ikinatutuwa naming makabalik sa Kuala Lumpur para makilala ang mga kliyente ng XM na dumalo sa aming seminar para pabutihin ang kanilang pag-trade sa tulong ng propesyonal na paggabay ni Mario Pashardes.

Pinasasalamatan naming lahat ang mga dumalo sa seminar sa Kuala Lumpur, at ipagpapatuloy namin ang serye ng mga seminar sa iba’t-ibang lokasyon sa Malaysia ngayong taglagas.

Para magbasa pa tungkol sa paksa ng mga nalalapit na event, at para makapag-rehistro na, mangyaring mag-click dito.